Health and Wellness Tips

Mga Paalalang Pangkalusugan
1. Kumain ng sapat at masustansya gamit ang Pinggan Pinoy. Pinapakita ng Pinggan Pinoy kung gaano karaming proteina, kanin, prutas at gulay ang dapat nating kainin. Dapat uminom din ng 8 na baso ng tubig araw-araw. Gabay ito para manatili tayong busog.
2. Iwasan ang alak, sigarilyo at droga.
Maaaring magdulot ng iba’t-ibang kapansanan, tulad ng sakit sa atay, sakit sa baga, kanser at problema sa pagiisip ang mga bisyong ito
3. Mag-ehersisyo. Mag-ehersisyo para makaiwas sa sakit, makabawas ng timbang at para manatiling masigla buong araw. Pwedeng mag jogging, Zumba, mag-bisikleta o kahit anung uri ng pag-eehersisyo 3-5 na beses sa isang lingo.
4. Matulog at mag-pahinga nang maayos. Mas nakakapag-isip at nakakatrabaho tayo ng maayos kapag sapat ang oras ng pagtulog natin. Iminumungkahi na 7-9 na oras ang pagtulog ng isang tao. Para mas makatulog ng maayos, iwasan ang panonood ng tv para makatulog, gumawa ng regular na iskedyul nang pagtulog at magrelaks nalang bago humiga sa kama.
5. Alagaan ang ngipin. Ugaliing magsipilyo 2-3x sa isang araw at magpatingin sa dentist ng dalawang beses sa isang taon para manatiling matibay ang ngipin. 6. Ingatan ang balat. Pwedeng mag-karoon ng kulubot sa mukha, pangingitim at kanser buhat ng hindi pagaalaga ng balat. Mabuting mag-sunblock lagi, gumamit ng payong at iwasang magbilad ng matagal sa ilalim ng araw. 7. Stress Management. Maaaring magdulot ng sakit ang stress. Makakatulong ang mga relaxation techniques para makayanan natin ang ibat-ibang stress sa buhay. Pwedeng maglakad at mag-ehersisyo, magbasa ng libro o mag-meditate para mabawasan ang stress. 8. Magpacheck-up sa doctor. Pag mayroon kang ubo na tumatagal na higit sa dalawang linggo, di sinasadyang pangangayayat, hirap sa paghinga, bukol sa katawan o mga pagbabago sa dumi, magpatingin agad sa doctor. Magandang magpa-check-up din ng regular sa doctor para malaman kung anung mga bakuna at mga lab test ang kailangan mo.