Ako si TSG Jelden L Defensor, Active Philippine Army, thirteen (13) years ng myembro ng ACDI Trece Martires Branch. Ang aking business po ay isang motorcycle shop and accessories na nagstart noong 2017 na pinapamahalaan ng aking Misis sa Brgy Tres Cruses Tanza, Cavite. Ang mga tinitinda po namin dito ay mga langis, labor at accessories sa kakailanganin para sa pag ayos at pagpapaganda ng motorsiklo. Noong 2010 nagkaroon ng Information Drive dito sa Head Quarters ng Reserved Command Philippine Army ako po ay hindi muna nag loan sa halip nag pamember muna ako, then nung ako ay na reassigned po sa Visayas way back 2017 at nakilala ko ang isang miyembro ng ACDI Trece. Naging mag kaibigan po kami at naintroduce niya sa akin na may inooffer pong Livelihood Loan ang ACDI MPC. Nakabuti and pag avail ko ng Livelihood Loan sa ACDI Multipurpoes Cooperative sa kadahilanang ako’y nagkaroon ng karagdagang kapital sa aking munting motor shop at nagkaraoon pa ako ng iba pang oportunidad na mag bukas ng iba pang pag kakakitaan. Malaking tulong po ang ACDI sa aking pamilya at ako po ay nakaroon ng karagdagang income at nakatulong sa aming hanap buhay at araw araw na gastusin.
Ako si Dante Hermitanio, isang retiradong sundalo at siyam (9) na taon ng myembro ng ACDI MPC. Ako ay nagmember sa ACDI upang makapag avail ng kanilang loan packages na makakatulong sa aking nasimulang pangkabuhayan na palayan aty maisan. Nalaman ko ang tungkol sa Livelihood loan ng ACDI MPC sa pamamagitan ng kanilang Field Marketing Officer. Dahil sa pag avail ko ng livelihood loan ng ACDI MPC lumago pa lalo ang aking Negosyo na palayan at maisan. Nakabili na rin ako ng dalawang (2) tractor na aking pinaparentahan. Sa tulong ng ACDI, umangat ang antas ng aming pamumuhay. Maraming salamat ACDI sa malaking tulong sa aming mga myembro.
Mayroon palang halaga ang pagiging miembro ng isang kooperatiba! Sa umpisa, hindi ko pa na appreciate ang halaga bilang kasapi ng isang kooperatiba. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang isang bagay para umunlad. Maaaring dahil ito sa kadahilanang ako’y lumaki na wala masyadong gabay galing sa aking mga magulang. Naaalala ko pa noong ako’y nag aaral pa, kailangan kong hatiin ang isang pirasong daing at iyon ang uulamin naming magkakapatid. Hindi ako makakapasok sa eskwela hangga’t di pa ako mag tratrabaho. At pagkatapos ng klase kinakailangan ko naman na mag trabaho sa palayan o kung saan mayroong pag kakakitaan. Lumaki ako sa ganitong pamumuhay. Gustuhin ko man na mag tapos ng pag aaral, di ako pinalad kaya’t napilitan akong pumasok sa pagiging sundalo sa mga panahong iyon. Nung ako’y nagka pamilya na, itinatak ko sa aking isipan na magsumikap upang hindi na maranasan ng aking mga anak ang aking pinagdaanan. Ngunit hindi naging madali ang “journey” ko upang maabot ko ang aking pangarap. Alam din naman po natin na mababa lang ang sahod ng isang sundalo noong kapanahunan namin at halos walang alam kung papaano mag uumpisa upang magkaroon ng ibang pagkakakitaan. Hindi pa uso ang mga seminar gaya ng “Financial Literacy” sa mga panahong iyon. Umuutang din ako ngunit napupunta lang sa mga dead investment. Kaya’t parang cycle lamang ang nangyayari at halos di na makabangon sa pagkaka utang. Taong 2013, laking pasasalamat ko at nakilala si ACDI Multipurpose Cooperative. Naging miembro ako sa ACD Davao Branch at doon nag umpisa kung paano umunlad ang aming pamumuhay. Sa umpisa maraming balakid at disappointments. Unang loan ko ay para sa pagpapatayo ng bahay, ngunit sa kasamaang palad, nasira lamang dahil sa demolisyon. Ngunit di ako nawalan ng pag asa. Inisip ko “Ngayon pa ba ako susuko na may ACDI na akong pweding lapitan?”. Lumaki ako sa pag sasaka at ito ang kinahiligan ko. Kaya nga nung ako’y nag retiro na sa pagsusundalo, pinag aralan ko ito at nag desisyon na pasukin bilang pagkakakitaan. Nakatulong ang Financial Literacy na binibigay ni ACDI sa mga miembro upang maging mas malawak ang ideya kung papaano mapapalago ang kabuhayan ng mga miembro. Sa ikalawang pagkakataon, ako’y nanghiram ng pampuhunan at sa tuwing kailangan ko ng dagdag puhunan, si ACDI MPC ang palaging sagot. Hindi naging madali ang lahat ngunit unti-unting natutupad ang aking mga pangarap. Nakapag tapos na ang aking limang mga anak. Mayroon na akong anak na nagtratrabaho sa Bureau of Custom, Philippine National Police, Seaman, Engineer and isang Guro. Sa loob ng 10 taon bilang kasapi ng ACDI MPC at nag avail ng loan products, maliban sa naitagod ko ang pagpapaaral ng aking mga anak, nakabili na din ako ng 15 Ektaryang lupain at tinaniman ng 300 puno ng Niyog, 800 Dragon Fruit, 550 puno ng Manga, Rubber plant at Fishpond. Maliban dito, nakapag patayo na din ako ng tatlong bahay para sa aking pamilya. Ang laking tulong ni ACDI dahil sa bilis ng proseso at release ang aking loan. Isa sa mga rason din kung bakit bina balik-balikan ko ang ACDI ay dahil sa kabaitan ng mga empleyado- Very accommodating and welcoming at madaling lapitan. Ang lahat ng ito’y katuwang ko si ACDI upang maisakatuparan ang noo’y pangarap lamang. Marami pa akong gustong makamit sa buhay at hindi ako hihinto hanggat kaya ko. Alam ko na sa pag-abot ng ating mga pangarap, marami pa ring mga pagsubok at failures na haharapin at mararanasan. Ngunit ang natutunan ko sa buhay: work hard, take a risk and have faith that you can do it! Andito lang si ACDI MPC na handing umalalay sa mga miyembro na kagaya ko. Sa lahat ng namumuno ng kooperatibang sinasalihan ko, ang ACDI Multipurpose Cooperative, Saludo ako sa inyo! Indeed, “Members, First always”. Mabuhay ang ACDI!
Malaki ang naitulong ng ACDI sa aking pamilya. Dahil sa ACDI, naipundar ko ang isang babuyan at manukan, at nagamit ko pa ang sobra bilang karagdagang puhunan para sa aming maliit na bigasan. Dahil dito, napagtapos ko ang aking mga anak ng kursong Engineering at Architecture. Nagpapasalamat talaga ako sa ACDI dahil naging tulay ito upang makamit ang mga pangarap ng mga miyembro nito. Mabilis at talagang tapat ang kanilang serbisyo para sa mga miyembro tulad ko. Mabuhay ang ACDI MPC!”
Malaki ang naitulong sa akin ng ACDI sa humigit pitong taon ko bilang miyembro dito. Gamit ang puhunang nagkakahalaga ng P 160,000.00, nasimulan ko aking munting meat shop, ang JEVJ Meat Stall sa aming bayan sa San Marcelino, Zambales. Tanging ACDI lamang ang institusyong naging daan upang ako’y magkaroon ng tiwala at lakas ng loob na mamuhunan para sa sarili kong negosyo. Tunay na dito sa ACDI, ‘Member are First, Always."
Nagtagal ako ng humigit-kumulang 24 years sa ACDI MPC dahil sa tiwala at kasiyahan ko sa kalidad ng kanilang produkto at serbisyo. Makailang beses na rin akong nakakuha ng Loan sa kooperatiba, na naging malaking tulong para mapalago ko ang aking catering business at iba pang pangangailangan ng aking pamilya sa araw-araw. Bukod pa rito, nakakatulong din and ACDI sa aking negosyo dahil lagi nila akong kinukuha bilang caterer. Sa ating Kooperatiba, ramdam naming mga pensioners na bahagi kami ng isang malaking pamilya. Sa tuwing dadalaw kami sa ating opisina sa Lipa, hindi mawawala ang munting snacks na inaabot (ninyo) sa amin, bagama’t simple at malaking bagay sa aming mga puso. Maipagmamalaki ko ang ACDI dahil isa itong huwarang Kooperatiba na instrumento para maabot ng mga miyembro nito ang pag-asenso sa buhay. Hanggang nariyan ang Kooperatiba, alam kong marami pang mga buhay ng sundalo at retirado ang inyong matutulungan, dahil ang ACDI ay laging malalapitan kailanpaman."
Mahigit limang taon na akong member ng ACDI MPC. Masasabi ko na isa akong ‘satisfied member’. Labis po ang aking kagalakan nang igawad sa akin ang approved Pension Loan. Ginamit ko ang loan proceeds sa aking negosyo upang gawing ‘additional capital’ para sa aking negosyong sakahan, rice distribution at mango farm. Ako mismo ang magiging patunay sa malaking tulong ng ACDI upang mapaunlad ang buhay ng aking pamilya. Tunay na malalapitan kahit ano mang panahon, lalung-lalo na sa oras ng kalamidad at kagipitan. Maganda at mabilis ang serbisyo. Dito sa ACDI, ramdam mo ang malasakit ng isang tunay na kooperatiba.”