“Pasasalamat sa Apatnapu’t Apat”: ACDI MPC Ipinagdiwang ang Ika-44 Anibersaryo Nationwid

Sa pagdiriwang ng ating ika-44 na anibersaryo, atin pong ginugunita ang bawat tagumpay at hamong sama-sama nating nalampasan bilang isang pamilya. Mula sa ating simpleng pagsisimula apatnapu’t apat na taon na ang nakalipas, ang ACDI Multipurpose Cooperative ay naging simbolo ng pagkakaisa, katatagan, at malasakit — built by our members, for our members. #MembersFirstAlways



Ngayon, ang diwa ng pagkakaisa at malasakit na ating pinagyayaman sa loob ng 44 na taon ay makikita sa bawat selebrasyong idinaos ng ating 146 offices nationwide. Narito ang ilan sa mga larawan na sumasalamin sa matibay na samahan, saya, at pagmamalaking maging bahagi ng ACDI MPC family.



Mula sa ACDI MPC, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagtitiwala at suporta. Makaaasa po kayo na kami ay mananatiling tapat, dekalidad, at maaasahang karamay sa bawat yugto ng inyong buhay.


Maligayang ika-44 na Anibersaryo, ACDI MPC!